Friday, June 25, 2010

Bigo

Created: May 2009

Summer Headstart 2009 (Filipino class), the month before we officially entered college. We were asked to do a poem just about anything so, yeah.
Now this one's for those people who have damaged hearts.
I made this for someone I wish never existed. Enough said.


Hindi lubos maintindihan itong aking nararamdaman
Isipan ko'y tila ikaw lang ang nilalaman.
Araw man o gabi, siya ang aking hinahanap
Siya na nga ba talaga ang aking pinapangrap?

Sa tuwing kasama ko siya, tumitigil ang mundo ko
Kakabit pa nito ang tibok ng aking puso.
Winika ko sa aking sarili, sana'y hindi ito panaginip
Tunay na pag-ibig na nga ba? Ako'y napaisip.

Mahal ko na siya at sigurado na ako,
Ito ang sinisigaw ng aking isip at puso.
Masaya ako at totoong pag-ibig ay natagpuan ko na.
Isang pag-iibigang pinagtagpo ng tadhana.

Ngunit nang tumagal, nalaman kong isa kang pagkakamali
Hindi na kita nais makitang muli.
At dahil iniwan mo akong sawing-sawi,
Gusto na kitang making magbigti.


No comments:

Post a Comment