Friday, June 25, 2010

Pera

Created: May 2009

Finally, something not about love. Hahaha!
I did this for Summer Headstart Filipino class again.
I miss Ginang Bertis, she was really nice.


Pera ang sagot sa suliranin ng naghihirap na bayan.
Pera ang sagot sa isang may sakit na nahihirapan.
Pera ang kailangan upang sumigla ang pamayanan.
Pera ang pinagmamalaki ng mga makapangyarihan.

Pera ang hinihingi ng mga bata sa lansangan.
Pera ang ninakaw ng mga bilanggo sa kulungan.
Pera ang tinataya ng mga nasa sugalan.
Pera ang dahilan ng gulo sa bayan.

Pera ang inaasam-asam ng mga naghihirap.
Pera ang hinihintay ng mga nagsusumikap.
Pera ang pabuya sa tapat na mamayanan.
Pera ang ikinabubuhay ng sambayanan.

Pera ang sinasandalan ng ating pamahalaan.
Pera ang dahilan ng mga ayawan.
Pera ang pambayad ng kuryente, tubig, at bigas.
Ngunit hindi nito matatapatan ang pag-ibig na wagas.


Money is evil, I tell you. Evooool.

No comments:

Post a Comment